Jay Sonza to ICC: “They did not realize that Mr. Duterte is such a Respected World Leader.”

Sa dami ng naglalabasang balita tungkol sa pagkalas ng Pilipinas sa International Cr1m1n4l Court (ICC), marami ang nagbigay ng kani-kanilang saloobin at komento ukol dito. Ang iba ay hindi sang-ayon at negatibo ang panukala, ngunit mas marami ang pabor at nagbigay ng kanilang suporta sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umalis at tuluyan ng hindi sumapi sa institusyon. Isa sa mga sang-ayon sa pagkalas ng Pangulo sa ICC ay ang beteranong mamamahayag at manunulat na si Mr. Jay Sonza. Balikan natin ang kanyang post sa Facebook kung saan ibinahagi ni Mr. Sonza and pagkadismaya sa institusyon ng malaman nito na milyon-milyong piso pala ang kontribusyon ng Pilipinas sa pagiging kasapi nito noon. At sa kabila ng ibinabayad ng bansa, nagawa pa din nitong diumanong magpagamit sa mga taong gustong sumira at pabagsakin ang Pangulo.

Sinabi din ng beteranong mamamahayag na noon ay nakikiusap ang ICC na baguhin ng Pangulo ang desisyon at muling sumapi sa kanila. Marahil, ayon kay Mr. Sonza, napagtanto ng ICC sa kanilang mga sarili, na maaaring maka-impluwensya ang desisyon ni Pangulong Duterte sa mga lider ng ibang bansa at sundan ang kanyang yapak at tuluyan na ding kumalas sa organisasyon. Sa huli, madiing binanggit ng mamamahayag, na ang Pangulong Duterte ay isa sa mga tinitingala at respetadong pinuno na kinikilala sa buong mundo. Ngunit ayon sa kanya, may mga tao pa din, tulad ng mga lider ng oposisyon, na hanggang ngayon ay nagbubulag-bulagan diumano at ayaw tanggapin ang katotohanang ito.

Narito ang buong pahayag ni Mr. Jay Sonza:

“Milyon-milyong piso ang binabayad natin sa ICC. Nito lamang nagdaang taon mahigit P25 million ang kontribusyon ng Pilipinas sa International Cr1m1n4l Court. Walangh1y4 naman pala itong ICC, nagbabayad na tayo sa kanila, tapos, kung makaasta pa akala ng mga hinayupak ay alila nila ang Pilipinas. Tama lang ang desisyon ni Pangulong Duterte, na kumalas tayo at himukin ang iba pang bansa na gawin ang ginawa ng Pilipinas. Bagay, na gumising sa iba pang mga bansa. Ngayon, parang mga ul0l ang mga opisyal ng ICC na nakikiusap kay Mr. Duterte na baguhin ang kanyang desisyon. Eh, sira pala itong mga ito. Matapos nilang batikusin at siraan ang ating pangulo, umaasa pa silang magbabago ang desisyon nito. They did not realize, that Mr. Duterte is such a respected world leader, that when he speaks, leaders around the world listen. Ito rin ang nagdudumilat na katotohanan na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap-tanggap ng mga lider oposisyon at naghaharing uri (oligarch) sa Pilipinas.”

What can you say about this? Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *