Look: 5 US senators naghain ng resolusyon para palayain si De Lima

Limang senators sa Estados Unidos ang naghain ng resolusyon upang himukin ang gobyerno ng Pilipinas na palayain si Senadora Leila De Lima mula sa pagkakabilanggo. Ang resolusyong ito ay isinumite nina Democrats senators Chris Coons, Ed Markey, Dick Durbin at Republicans na sina Marco Rubio at Marsha Blackburn.Ayon sa mga ito, dapat ay palayain si De Lima mula sa pagkakakulong sapagkat hinuli lamang ito dahil sa kanyang pananaw at pagpapahayag ng sariling saloobin laban sa gobyerno. Kasabay ng ipinasang resolusyon ng limang senator, kinundina rin ng mga ito ang umano’y extra judicial killing na umiiral sa Pilipinas. Dagdag pa nito, ipinababasura din ng mga ito ang inihaing kaso laban kay Rappler CEO Maria Ressa. Dahil dito, tinutulan naman ni Senador Panfilo Lacson ang resulosyon ng limang senador kung saan ay nais niyang ipaalala sa United States na hindi nito kolonya ang Pilipinas. “A Ph Senate resolution is appropriate to call out these 5 US senators. We are not their colony, we have a Constitution that provides for three(3) co-equal branches and a judicial system where due process is followed, regardless of its flaws and weaknesses,” saad ni Lacson.

****

Source: Inquirer/ What can you say about this article? Share us your thoughts by simply leaving a comment below. For more news updates, feel free to visit our site often. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *