Paolo Duterte, Atty. Manases Carpio hindi tinanggap ang alok na settlement ng kampo ni Trillanes

Hindi pumayag si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at presidential son-in-law Manasses Carpio sa alok ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV na magkaroon na lamang ng settlement sa kanilang namuong iringan. Tumanggi sa out-of-court settlement ang kampo ng magbayaw sa kasong libelo na isinampa nila at iginiit nito na tuloy ang kaso laban sa senador. Ayon kay Atty. Ranier Madrid, abogado nina Duterte at Carpio, hindi nagkasundo ang dalawang panig sa ginawang mediation meeting na ipinag-utos ni Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang. Dati ng minaliit ng kampo ni Paolo ang mga umanoy rebelasyon ng senador kaugnay sa P6.4 Billion na shabu na nakalusot sa Bureau of Customs. Ayon kay Atty. Madrid, hindi dapat paniwalaan si Trillanes dahil isa lamang itong attack dog at propagandista. Matatandaan namang nagpiyansa na ng P96,000 si Trillanes para sa kanyang pansamantalang kalayaan kaugnay sa mga isinampang kaso laban sakanya.

****

Source: RMN

Ito naman ang naging komento ng ilan nating kababayan: Rene Oliveros: pakita mo ngayon ang galing akala mo kasi matalino kana isip mo siguro magugulat mo yong magbayaw eh no |Nnamron Malimban: Areglo ay isangbparaan para matakasan ang bilanguan.. db mambabatas ka.. harapin mo at patunayan ang akusasyon mo.. |Rodel M Galas: Akala q matapang.. Hayst naalala q ang manila pen.. Istorbo lng ginawa niya

Andy E Musngi: Yan ang napala mo. Dakdak ka nang dakdak nang wala kang matibay na ebidensiya at puro hinala at gawa-gawa mo lang. Sinong tanga ang tatanggap ng settlement o areglo pagkatapos mong sirain ang dignidad at pangalan. Dapat lang tanggapin mo at danasin ang kahihiyang ibinalatay mo sa pagkatao at pamilya ng mga biktima mo.What can you say about this? Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *