Pari na n4k4p4t4y ng GF sa Camarines Sur, pinasusuko ni Duterte: “You better surrender because if you will not, I’ll hunt you down

Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa awarding ceremony para sa Outstanding Women in Law Enforcement and National Security of the Philippines sa Malacañang, mariin nitong pinasusuko ang pari na nakap4t4y ng kanyang girlfriend sa Camarines Sur.

Ayon sa Pangulo, dapat ay sumuko na ang nagtatagong si Father Paul Tirao, parish priest ng Parish of St. Anthony of Padua sa bayan ng Siruma.

Inihayag ng Pangulo na kapag hindi pa ito susuko sa otoridad ay mismong siya na ang maghahanap sakanya at hindi ito magdadalawang isip na p4t4yin.

“Itong …‘yung Fernandez ba ‘yon, priest who k*113d a pregnant paramour of his, and nothing is happening to the case. Paglabas ng warrant na ‘yan, kung walang pulis, siyempre mahiya man ‘yan. It’s very unsettling actually so ako ang mag-aresto sa ‘yo,” anang Pangulo.

“You better surrender because if you will not, I’ll hunt you down. And if you don’t surrender, you put up a good fight, I’ll k*11 you like a dog. The law is the law, period,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang taon ay mayroong napabalitang pinatay at ni-rape ang dalagang si Jeraldine Rapinan, 28, ng Baao, Camarines Sur.

Si Jeraldine ay natagpuang nakatali ang parehong kamay at paa habang tadtad ito ng saksak at hinihinalang kagagawan ito ng pari na umano’y ama ng kanyang anak.

Ayon sa naging pahayag ng pamilya ng babae, makikipagkita sana ang biktima kay Fr. Tirao at matapos ang ilang araw ay natagpuan ng nakahandusay at duguan ang katawan ni Geraldyn.

Pagkatapos ng insidente ay hindi narin mahagilap si Fr. Tirao at tila may pinagtataguan na ito.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.

Thanks for dropping by and reading this post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *